Home TOP STORIES India, nagpahayag ng pag-aalala sa pag-atake sa 2 nitong barko sa Strait...

India, nagpahayag ng pag-aalala sa pag-atake sa 2 nitong barko sa Strait of Hormuz

125
0

MUMBAI, Inda – Nagpatawag ang India sa Iranian envoy sa New Delhi upang ipahayag ang “deep concern” nito matapos ang pag-atake sa dalawang barkong may bandila ng India na dumadaan sa Strait of Hormuz noong Sabado.

Ayon sa isang source ng gobyerno ng India, isa sa mga barkong tinamaan ay ang Sanmar Herald, isang Indian-flagged vessel. Tiniyak din ng source na ligtas ang crew at ang barko.

Hiniling ng mataas na opisyal ng foreign ministry ng India sa Iranian ambassador na iparating sa kanilang pamahalaan ang posisyon ng India at agad na ipagpatuloy ang pagpapadali sa pagdaan ng mga barkong patungong India sa nasabing strait.

Ayon sa pahayag ng foreign ministry, sinabi ng Iranian ambassador na ipararating niya ang mensahe sa mga awtoridad ng Iran.

Ang Strait of Hormuz ay isang mahalagang daanan ng mga barko ng langis at kalakalan, kaya ang anumang tensyon dito ay may malaking epekto sa pandaigdigang shipping at seguridad sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here