Home HOME BANNER STORY PNP: 27 kaso ng fuel hoarding, ilegal na bentahan, naisampa

PNP: 27 kaso ng fuel hoarding, ilegal na bentahan, naisampa

88
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na hindi bababa sa 27 kaso ang naisampa kaugnay ng fuel hoarding at profiteering sa bansa.

Mula Marso, naitala ng mga awtoridad ang pitong kaso ng hoarding, isang kaso ng profiteering, at 19 iba pang paglabag na may kinalaman sa ilegal na pag-iimbak, transportasyon, at bentahan ng produktong petrolyo.

Samantala, noong Biyernes, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Agusan del Norte ang dalawang lalaki na may alyas na “Ando” at “Bote” sa Barangay Santa Ana, Tubay dahil sa oil pilferage o “paihi.”

Ayon sa ulat, nahuli ang truck driver at helper habang nagsasalin ng gasolina mula sa tanker truck papunta sa mga drum at maliliit na lalagyan para sa ilegal na bentahan.

Ang tanker ay galing umano sa Cagayan de Oro City at huminto sa gilid ng kalsada kung saan isinagawa ang iligal na paglipat ng gasolina.

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang trailer tanker na may lamang produktong petrolyo, kabilang ang isang drum na tinatayang may 180 litro. Tinatayang nasa ₱6.6 milyon ang kabuuang halaga ng nakumpiska.

Ayon pa sa PNP, 294 sa 14,527 gas stations sa buong bansa ang pansamantalang nagsara dahil sa kakulangan ng supply.

Isinasagawa ang mga operasyon katuwang ang Department of Energy at mga local government unit para sa price monitoring, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapanatili ang katatagan ng suplay ng langis.

Samantala, iniulat din ng PNP na bumaba ang ilang krimen sa ilalim ng “Safer Cities” initiative.

Batay sa datos, mula Marso 28–Abril 5 at Abril 6–Abril 14, bumaba ang murder cases ng 9.8% (mula 91 sa 82), homicide ng 39.3% (28 sa 17), physical injury ng 22.7% (132 sa 102), at rape cases ng 22.9% (96 sa 74). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here