PARIS, France – Kinumpirma ng French shipping company na CMA CGM noong Linggo na isa sa kanilang barko ang pinaputukan sa Strait of Hormuz noong Sabado, at tinawag nila itong “warning shots.”
Ayon sa kumpanya, ligtas ang lahat ng sakay ng barko.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump sa social media na, “Iran decided to fire bullets yesterday in the Strait of Hormuz – A Total Violation of our Ceasefire Agreement!” Idinagdag pa niya na kabilang sa mga tinarget ay isang barkong Pranses at isang British vessel.
Wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa insidente, ngunit patuloy ang tensyon sa mahalagang rutang pandagat sa gitna ng mga ulat ng pag-atake at babala sa seguridad sa lugar. RNT/MND