Home HOME BANNER STORY Pagpapaliban ng 2026 BSKE, ‘unconstitutional’; ‘reporma kailangan, di abolition’ – Senador

Pagpapaliban ng 2026 BSKE, ‘unconstitutional’; ‘reporma kailangan, di abolition’ – Senador

152
0

MANILA, Philippines – Giit ni Senador Sherwin Gatchalian na ang muling pagpapaliban ng 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay “unconstitutional” at hindi dapat gawin.

Sa panayam noong Linggo, sinabi niya, “Unang-una, unconstitutional na ‘yan. At pangalawa, dahil pangalawang suspension na ’yan… maraming tao umaasa na pumili ng kanilang local leader.”

Dagdag pa niya, hindi problema ang pondo para sa eleksyon. Ayon sa kanya, “‘Yung barangay election is only P8 to P9 billion… Ngayon, meron pa tayong P230 bilyon na puwedeng gastusin. So in other words, hindi naman kulang ang pera.”

Ipinunto rin niya na ayon sa Korte Suprema, huli na dapat ang nakaraang pagpapaliban ng BSKE at hindi na ito dapat maulit.

“Sinabi na ng Korte Suprema… ‘last na ‘yan’ at hindi na natin puwedeng isuspinde dahil… ito ay pagkawala ng demokrasya,” ani Gatchalian.

Mahigpit ding na tinutulan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang planong lusawin ang Sangguniang Kabataan at iba pang youth leadership program upang makatipid ang gobyerno.

Sa pahayag, iginiit ni Cayetano na mas kailangan ang reporma kaysa tuluyang buwagin ang mga youth leadership programs tulad ng Sangguniang Kabataan (SK).

Sa kanyang mensahe sa Cebu Technological University nitong April 16, sinabi ng senador na hindi ang mismong programa ang problema kundi kung paano ito pinatatakbo at sinusuportahan.

“There were three stands. One is to abolish [SK] completely. The other one is to keep it as it is. And the other one is [to have] major reforms. [But] if the student is being taught by the teacher to be corrupt, why will you abolish the student? Why not abolish the teacher? ‘Di ba? Logic lang,” sabi ni Cayetano.

Wika ni Cayetano, hindi sa kabataan nanggagaling ang problema kundi sa impluwensya ng nakatatanda.

Para sa senador, mas dapat pang palakasin ang mga ganitong institusyon para sa kabataan.

“[We should put] emphasis on prioritization. I think student councils prepare you. It’s a lesson in democracy; it’s a lesson in governance. Whether it’s SK, the student council, we lack the emphasis, the prioritization, the funds, and the program to actually train you to be leaders,” aniya.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pagkakaroon ng training programs pero kulang ito sa suporta.

“Training programs are important. But programs need resources. It needs money, it needs models, it needs mission and vision, it needs mentors,” saad niya.

Ayon sa senador, dapat ituring na long-term investment ang youth leadership programs dahil dito hinuhubog ang susunod na leader ng bansa.

“Remember your power. Ang students mas pure ang hinihingi niyan kasi mas malawak pa [at] mas idealistic pa y’ung pag-iisip,” sabi ni Cayetano.

Nauna rito, may mga panukala mula sa ilang mambabatas na ipagpaliban muli ang BSKE at ilaan ang pondo nito para sa pagtugon sa krisis sa gasolina.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa ₱16 bilyon pa ang natitirang budget para sa BSKE, habang nasa 3.9 milyong bagong botante na ang nakapagparehistro.

Samantala, may mga pabor sa pagpapaliban, kabilang si Senadora Imee Marcos, na nagsabing mas mainam na ilaan muna ang pondo para sa food security, fuel crisis, at basic services.

Nagbabala naman ang Comelec na maaaring labag sa Konstitusyon ang pagre-redirect ng pondo ng eleksyon, na maaaring magdulot ng legal na problema sa Supreme Court. RNT/MND/Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here