Home NATIONWIDE Mga sasakyang konektado kay Madriaga, nasa records – LTO

Mga sasakyang konektado kay Madriaga, nasa records – LTO

101
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) na lahat ng mga sasakyang nakapangalan kay Ramil L. Madriaga—na itinuturong umano’y bagman ni Vice President Sara Duterte—ay nasa kanilang records.

Ayon kay House committee on public accounts chairperson Terry L. Ridon, anim na sasakyan na dating pagmamay-ari ni Madriaga ay rehistrado sa LTO.

Sinabi niya, “All vehicles mentioned in the affidavit, as bought and in the name of Mr. Madriaga and son are in the LTO records.”

Sa kanyang supplemental affidavit, iginiit ni Madriaga na binigyan siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ₱25 milyon noong 2021 para bumili ng mamahaling motorsiklo para umano sa gamit ni Sara Duterte, pati na rin para sa operasyon ng grupong ISIP Pilipinas.

Ayon kay Madriaga, gumastos siya ng ₱4.5 milyon para sa dalawang Harley-Davidson motorcycles at ₱5.8 milyon para sa dalawang Ducati motorcycles, kasama ang ₱500,000 na accessories. May mga Yamaha NMAX din umanong binili para sa grupo, lahat ay cash basis.

Ayon kay Ridon, kabilang din sa LTO records ang Toyota FJ Cruiser ni Madriaga.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Madriaga na ang naturang sasakyan ay ginamit umano sa pagkuha at pag-deliver ng confidential funds ng bise presidente noong Disyembre 2022.

Patuloy na iniimbestigahan ng Kongreso ang mga alegasyon kaugnay ng umano’y paggamit ng confidential funds at koneksyon nito sa mga sasakyang nakapangalan sa kanya at sa kanyang anak. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here