Home NATIONWIDE Motor-taxi rider, nasawi habang nakapila sa kuhanan ng ayuda sa QC

Motor-taxi rider, nasawi habang nakapila sa kuhanan ng ayuda sa QC

122
0

MANILA, Philippines – Isang motorcycle taxi rider ang namatay noong Sabado habang nakapila para kunin ang cash relief assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa payout site sa Quezon City Memorial Circle.

Kinumpirma ng DSWD ang insidente sa Facebook post noong Linggo at sinabing agad silang nagbigay ng tulong sa pamilya ng rider.

“We are deeply saddened by this regretful incident. Upon receiving the report from the [Quezon City] response team yesterday, the DSWD immediately coordinated with the hospital, the driver’s family, and his employer,” ayon sa DSWD.

Dagdag ng ahensya, sasagutin ng tulong ang hospital bills, libing at burial expenses, at maging transportasyon. May dagdag ding suporta para sa edukasyon ng anak ng rider.

Ayon sa DSWD, umabot sa mahigit 17,600 motorcycle taxi at delivery riders ang pumunta sa apat na payout sites sa Metro Manila noong Sabado para kunin ang ₱5,000 cash aid.

Sa Quezon City Memorial Circle, nasa 2,543 beneficiaries na ang nakatanggap ng ayuda hanggang alas-3 ng hapon.

Ipinaliwanag ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na mano-mano ang pamamahagi ng ayuda upang matiyak na tunay ang mga benepisyaryo at maiwasan ang “ghost drivers,” pero sinabi niyang lilipat na sila sa digital payout system kapag validated na ang listahan.

Ayon sa Riders-Sentro, ang mahabang pila para sa ayuda ay nagpapakita ng “deep indifference” sa kalagayan ng mga manggagawa, at nanawagan sila ng mas maayos, mabilis, at ligtas na sistema ng pamimigay ng tulong. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here