Home NATIONWIDE Access road patungo sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill natapos na ng...

Access road patungo sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill natapos na ng DPWH

115
0

MANILA, Philippines – Matagumpay na natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang access road patungo sa nasusunog na Navotas Sanitary landfill.

Ito ay upang mapadali ang pagpasok ng mga heavy equipment para sa operasyon ng pag-apula ng sunog sa lugar.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, kabilang sa mga ipinapasok na kagamitan ang backhoe, bulldozer, dump truck at dredger.

Ang ilang araw na sunog sa landfill ay nakakaapekto na sa mga residente ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at Bulacan kaya naman tinapos na ang access road upang mapabilis ang pagresponde at mapigilan ang pagkalat ng makapal at nakalalasong usok.

Isinagawa ang hakbang bilang pagtugon sa direktiba ng Pangulo, sa pakikipagtulungan ng DPWH sa lokal na pamahalaan ng Navotas at pribadong sektor.

Layunin ng proyekto na mapabilis ang tuluyang pag-apula ng sunog at mabawasan ang panganib sa kalusugan ng mga apektadong komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here