MANILA, Philippines — Makaaasa ang mga consumer ng panibagong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula Martes, Abril 21.
Ayon sa Solane, magpapatupad ito ng bawas-presyo na P3.36 kada kilo, kabilang ang value-added tax (VAT), simula alas-6 ng umaga.
Sinabi naman ng LPG Marketers Association na katumbas ito ng P33 na bawas sa bawat 11-kilogram LPG tank.
Nauna nang sinabi ni Arnel Ty ng LPGMA na dulot ang rollback ng pagbaba ng shipping at transport costs.
Nag-anunsyo rin ang Petron Corporation na ibinaba na nito ang presyo ng Petron Gasul at Fiesta Gas cylinder products ng P3.36 kada kilo, VAT inclusive, epektibo noong Abril 18.
Nauna ring nagkaroon ng rollback sa LPG matapos alisin ang excise tax. Santi Celario