Home NATIONWIDE Czech Republic, tikom pa rin bibig sa pagkaaresto kay Zaldy Co

Czech Republic, tikom pa rin bibig sa pagkaaresto kay Zaldy Co

85
0

MANILA, Philippines — Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ang mga awtoridad sa Czech Republic kaugnay sa iniulat na pag-aresto sa dating kongresista na si Zaldy Co malapit sa hangganan ng Germany at Czech Republic noong nakaraang linggo.

Ayon sa isang police officer mula sa Czech Police Presidium, ang kaso ay hawak ng Czech Ministry of Justice.

Nauna nang lumabas ang mga ulat na naaresto si Co sa Europe, ngunit nananatiling hindi malinaw hanggang ngayon ang mga detalye sa kanyang pagkakaaresto, posibleng kaso, at legal proceedings.

Si Co, dating kinatawan ng 1st District ng Negros Occidental, ay dati nang iniugnay sa mga imbestigasyon sa umano’y flood-control ghost projects sa Pilipinas.

Kalaunan ay nagtago siya at naglabas ng mga video kung saan sinabi niyang si President Ferdinand Marcos Jr. ang mastermind sa likod ng korapsyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here