Home NATIONWIDE BOC: P2.5-B iligal na droga nasamsam ‘gang Abril 2026

BOC: P2.5-B iligal na droga nasamsam ‘gang Abril 2026

122
0

MANILA, Philippines — Umabot sa humigit-kumulang P2.5 bilyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Bureau of Customs hanggang Abril 2026.

Ayon sa ahensya, nakapaghain din ito ng anim na kasong kriminal kaugnay ng dangerous drugs mula Enero hanggang Abril 2026 sa Department of Justice.

Iniulat din ng BOC ang turnover ng P30.78 milyong halaga ng ketamine sa Philippine Drug Enforcement Agency matapos maharang sa Port of Clark noong Marso.

Natukoy ang kargamento matapos magpakita ng kahina-hinalang imahe sa X-ray, na sinundan ng pisikal na inspeksyon. Kinumpirma rin ng K-9 unit ang presensya ng ilegal na substansiya.

Natuklasan ang anim na plastic pouches na may lamang ketamine na nakatago sa loob ng spool na binalutan ng cable wires, na may kabuuang bigat na 6,156 gramo.

Naglabas ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 9165.

Isinagawa ang operasyon kasama ang PDEA at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs bilang bahagi ng border security efforts ng pamahalaan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here