Home NATIONWIDE Zaldy Co walang Portuguese passport – Portugal Embassy

Zaldy Co walang Portuguese passport – Portugal Embassy

86
0

MANILA, Philippines – Walang Portuguese passport si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon sa isang source sa embahada ng Portugal sa Czech Republic.

Ayon sa source, sinuri ang registry ng mga mamamayan ng Portugal at database ng Portuguese citizens na may citizen cards o pasaporte.

“There is no ‘Elizaldy Co’ in our citizens’ registry,” sinabi ng source sa panayam ng GMA News.

Sa kabila nito, sinabi na ang Portuguese nationals ay maaaring magpanatili ng citizenship kahit walang pasaporte.

Posible rin aniya na ang iba ay nasa proseso ng pag-aapply o paghihintay sa pagdating ng kanilang citizen card na dahilan din kung bakit hindi lalabas ang pangalan sa citizens’ registry.

“Portugal is not giving golden visas anymore,” ayon pa sa Portuguese Embassy sa Prague kaugnay sa umano’y golden visa na mayroon si Co. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here