MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang indibidwal sa operasyon ng mga awtoridad sa Paranaque City nitong Martes, Abril 21.
Kasabay nito ay nakuha ang P1.53 milyong halaga ng hinihinalang shabu, ayon sa Southern Police District (SPD).
Nakipagkita ang poseur-buyer sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Muksimin,” 27; at “Jarbby,” 22, sa Santa Rita Extension sa Barangay Baclaran.
“Seized from alias ‘Muksimin’ were approximately 212 grams of suspected shabu, including the buy-bust item, with a total estimated value of P1,441,600, along with marked money, a mobile phone, and a black sling bag,” iniulat ng SPD.
“Meanwhile, alias ‘Jarbby’ was found in possession of approximately 13 grams of suspected shabu valued at P88,400,” dagdag pa.
Si Muksimin ay tukoy bilang “high-value” individual, habang si Jarbby naman ay “street-level” individual na pawang mga residente ng Barangay 145, Pasay City.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act. RNT/JGC