Home NATIONWIDE P16M ismagel na sigarilyo narekober sa Lanao del Sur

P16M ismagel na sigarilyo narekober sa Lanao del Sur

115
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR) ang tinatayang P16,120,000 halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo matapos mamataan ang tatlong abandonadong trak sa Barangay BPS Village sa Malabang, Lanao del Sur.

Ayon kay Brig. General Jayzen De Guzman, director for PROBAR, agad na tumugon ang mga tauhan ng Malabang municipal police station, kasama ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Lanao del Sur Police Provincial Office, at mga operatiba mula sa Special Action Force (SAF), matapos matanggap ang impormasyon.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang tatlong abandonadong trak na walang susi.

Sa masusing imbestigasyon ay nakita na ang mga sasakyan ay kargado ng niyog na ginamit naman para itago ang malaking bulto ng mga sigarilyo na pinaniniwalaang smuggled.

Nakumpiska sa mga trak ang 90 master cases ng Berlin cigarettes at 313 master cases ng Canon cigarettes.

Nasa kustodiya na ng Malabang police ang mga nasamsam na sigarilyo para sa dokumentasyon at ituturn-over sa Bureau of Customs. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here