Home METRO 2 tiklo sa ikalawang kaso ng ‘gas-and-run’ sa Kyusi

2 tiklo sa ikalawang kaso ng ‘gas-and-run’ sa Kyusi

106
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal matapos takasan ang gasolinahan sa Payatas, Quezon City matapos magpakarga ng halagang P1,500 ng langis.

Ayon sa Quezon City Police District, ang sangkot na sasakyan ay isang puting Toyota Vios.

Tinukoy ang mga suspek na sina “Tyron” at “Ricky” na naaresto sa kani-kanilang tirahan sa Rodriguez, Rizal, Lunes ng gabi, o ilang oras matapos ang “gas-and-run” incident.

Ito na ang ikalawang kaso ng pagtakas at hindi pagbabayad sa gasolinahan sa Quezon City mula noong nakaraang buwan.

Hinahanap naman ng QCPD ang ikatlong suspek na natukoy lamang sa alyas na “Botchoy.”

Hindi na idinetalye ng pulisya kung ano ang kaugnayan ng tatlong lalaki at kung ano ang kaugnayan nila sa insidente.

Sa kabila nito, sinabi ng QCPD na si Tyron ay dati na ring naaresto sa serious physical injuries sa isa ring gasolinahan sa Rodriguez, Rizal noong Pebrero 2017 habang si Botchoy ay may dating rekord ng drug-related charges noong Hulyo 2017 at frustrated murder noong Pebrero 2020.

“The arrested suspects will be charged with estafa and referred to the Quezon City Prosecutor’s Office for inquest proceedings, while authorities continue efforts to locate and apprehend ‘Botchoy,’” ayon sa QCPD.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nahuli rin ang 27-anyos na transport network vehicle service driver na nakilala sa alyas na “Jefferson” na tinakasan din ang gasolinahan sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City matpaos makapagpakarga ng P5,000 halaga ng gasolina. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here