Home NATIONWIDE Agri losses sa Bicol, umakyat sa P4.8M sa kawalan ng ulan

Agri losses sa Bicol, umakyat sa P4.8M sa kawalan ng ulan

105
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa P4.8 milyon ang halaga ng agricultural losses sa Bicol Region dahil sa kawalan ng mga pag-ulan at pagpasok ng tag-init, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Lovella Guarin, DA Bicol information officer, na naitala sa automated weather stations ang below-normal rainfall sa buong rehiyon ngayong buwan.

Mula Abril 1, nakapagtala ang Albay ng average rainfall na 6 millimeters, Camarines Norte sa 7 mm, Camarines Sur sa 5 mm, Catanduanes sa 5 mm, Masbate sa 5 mm, at Sorsogon sa 4 mm.

“With these conditions, soil moisture has started to decline, posing risks to crop productivity and irrigation water supply,” ani Guarin.

Nasa 256 magsasaka at mangingisda ang apektado sakop ang 121.71 ektarya ng sakahan.

Tinatayang nasa 169.45 metriko tonelada ang production losses na nagkakahalaga ng P4,828,897.60.

Pinakamalaki rito ang bigas na nakaapekto sa 236 magsasaka at 108.71 ektarya at production loss na 133.05 MT na nagkakahalaga ng P4,173,697.60.

Sa Albay, umabot naman sa 36.40 MT ang halaga ng nawala sa yellow corn na nagkakahalaga ng P655,200, kung saan apektado ang 20 magsasaka sa 13 ektarya ng lupain.

Pinagana na ng DA ang patuloy na monitoring at koordinasyon para mabawasan ang epekto nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here