MANILA, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang humigit-kumulang P278 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang dalawang Chinese national sa isang buy-bust operation sa Quezon City, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules, Abril 22.
Nabatid sa isang pahayag, sinabi ng PDEA na nasa 41 kilo ng hinihinalang shabu na itinago sa paper bag at mga kahon, sa isinagawang operasyon noong Martes ng gabi sa Andrade Street sa Barangay Balingasa.
Nagresulta rin ang entrapment operation ng pulisya sa pagkakaaresto ng dalawang Chinese national na sina alyas Aye, at alyas Mok, na kapwa residente ng General Trias, Cavite.
Bukod sa mga iligal na droga, nakuha rin sa dalawang suspek ang isang Toyota Fortuner, Hong Kong passport, Hong Kong International Driving Permit, dalawang cellphone at marked buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Kaugnay nito ay mahaharap ang mga suspek sa kasong pag-iingat at pagbebenta ng iligal na droga sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“This successful operation underscores our unwavering commitment to dismantle drug networks that threaten our communities. The seizure of nearly ₱300 million worth of shabu is a major blow to illegal drug syndicates operating in the country.”
“We will not allow the Philippines to be used as a transshipment hub or market for illegal drugs,” sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez. Santi Celario/Dave Medina