Home HOME BANNER STORY MNLF itinangging pagkanlong kay Bato

MNLF itinangging pagkanlong kay Bato

1
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang mga espekulasyong kinakanlong nito si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa pahayag ng tanggapan ni MNLF Chairman Muslimin Sema, sinabi ng grupo na wala itong “established formal relationship” kay dela Rosa at walang beripikadong ebidensiya na kasapi, operational ally o kasalukuyang nasa proteksyon ng MNLF ang senador.

Iginiit ng MNLF na espekulasyon lamang at hindi kumpirmadong impormasyon ang alegasyong pinoprotektahan nito si dela Rosa.

Ayon pa sa grupo, maaaring may personal o political connections si dela Rosa sa ilang personalidad na nauugnay sa MNLF, partikular dahil sa ugnayan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF founder Nur Misuari, ngunit hindi umano ito patunay na kinakanlong nila ang senador.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa isang grupong umano’y nagpoprotekta kay dela Rosa upang maisuko ito nang mapayapa.

Nag-alok din ang Department of the Interior and Local Government ng P50 milyong reward para sa impormasyon na hahantong sa pag-aresto kay dela Rosa.

May arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa drug war noong administrasyong Duterte.

Wala pang tugon mula sa kampo ni dela Rosa hinggil sa pahayag ng MNLF. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here