Carpooling kailangang i-regulate upang maproteksyunan ang hanapbuhay ng nasa sektor ng public transport at hindi makompromiso ang operasyon
ng mga may CPC o Certificate of Public Convenience ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III na ginanap sa Kapihan sa Manila Bay forum sa Malate Adriatico. ERIC OCAPAN
MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pinal na pag-uusap ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LT|FRB) para sa pagpapalabas ng pinal na guidelines sa pag-regulate ng Carpooling program sa Metro Manila.
Paliwanag ni MMDA General Manager Nicolas Torre III sa Kapihan sa Manila Bay, kailangang i-regulate ang carpooling dahil ito ay kahalintulad ng PUV operations na nangangailangan ng prangkisa ng Certificate of Public Convenience (CPC).
Ayon kay Torre, ang CPC at ang public transport system ay may private entities na rin na binibigyan ng CPC ng gobyerno.
“Ang CPC kasi at ang public transport system may mga private entities na rin diyan na binibigyan ng CPC ng gobyerno na bilang hanapbuhay,” ayon kay Torre.
Dagdag pa may mga driver at operators din aniya na ang livelihood ay nakadepende diyan at nagbabayad ng buwis bukod pa sa mga regulatory requirements na dapat nilang i-comply na maaring maabuso kapag pinabayaan ang carpooling.
Binigyang-diin ni Torre na maaring may mga tao na walang CPC na baka gayahin ng operation ng CPC na makapag-compete at makompromiso naman ang mga operations ng may CPC.
Ipinunto ni Torre na kailangang itong i regulate dahil gustong proteksyunan din ang hanapbuhay ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa public transport sector at mga mananakay na gagamit ng alternative transport na carpooling na hindi biktima ng mga magsasamantala sa nasabing scheme.
Ang carpooling program ay inilunsad ng gobyerno upang mapadali ang transport costs at mapabuti ang public mabilis sa Metro Manila habang ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay patuloy na tumataas.
Samantala, sa apat na araw naman na ikinasang tigil pasada ng mga transport group sinabi ni Torre na ang kanilang assessment ay nakita nilang naging payapa ang kabuuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden