Home HOME BANNER STORY 15 Pinoy seaman sa 2 barkong sinamsam ng Iran sa Hormuz, ligtas...

15 Pinoy seaman sa 2 barkong sinamsam ng Iran sa Hormuz, ligtas – DMW

71
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW)  na ligtas at hindi nasaktan ang 15 Pilipinong seafarers na sakay ng dalawang barkong sinamsam ng Iranian authorities malapit sa Strait of Hormuz.

Sa isang online briefing, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na pinaigting ng pamahalaan ang pagbabantay sa sitwasyong pandagat sa Persian Gulf.

Noong Miyerkules, sinamsam ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) Navy ang MV Epaminondas at MSC Francesca sa Strait of Hormuz.

“We have a case of two ships, container ships, that have been seized by the Iranian Revolutionary Guard. One ship has 10 Filipino seafarers. They’re not fully Filipino-manned ships, but one ship has 10 Filipino seafarers, the Epaminondas, and the second ship, the MSC Francesca, has five Filipino seafarers,” ani Cacdac.

“So, they are now along the Iranian coastline. The ships have been seized, so they are within the authority of the Iranian Revolutionary Guard. We have been assured that all 15 Filipino seafarers are safe, unharmed, safe. And it will be a matter of time for their ships to be cleared.”

Ayon sa mga ulat, pinaputukan umano ng Iranian gunboat ang Liberia-flagged MV Epaminondas na ikinasira ng bridge nito, habang nagtamo naman ng pinsala sa hull at bridge ang Panama-flagged MSC Francesca at napilitang maghulog ng angkla.

Sinabi ng IRGC Naval Command na sinamsam ang dalawang barko dahil sa “operating without the necessary permits and tampering with navigation systems.”

Ayon kay Cacdac, nakikipag-ugnayan ang DMW sa Department of Foreign Affairs, mga manning agency, at shipowners habang hinihintay ang susunod na developments at posibleng pagpapalaya sa mga barko.

Patuloy din aniya ang pagbabantay ng mga awtoridad sa libu-libong Pilipinong seafarers sa paligid ng Persian Gulf sa gitna ng tumitinding tensyon kaugnay ng sigalot ng United States-Israel at Iran. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here