Home METRO Mga mananaya bokya sa P46M lotto jackpots

Mga mananaya bokya sa P46M lotto jackpots

99
0

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot prizes ng major lotto draws nitong Huwebes, Abril 23, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang nakatama sa winning combination na 09-23-41-37-24-10 para sa Lotto 6/42 na may jackpot prize na P21,185,563.23.

Samantala, wala ring nakahula sa winning numbers na 11-35-40-01-18-08 para sa Superlotto 6/49 kaya nananatiling walang kumuha sa P25 milyong jackpot prize nito.

Ayon sa PCSO, ginaganap ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang tuwing Martes, Huwebes, at Linggo naman ang draws ng Superlotto 6/49. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here