Home METRO P6.9M kush, ecstasy buking sa 4 abandonadong parcel, kinumpiska

P6.9M kush, ecstasy buking sa 4 abandonadong parcel, kinumpiska

89
0

MANILA, Philippines – Apat na abandonadong parcel na naglalaman ng aabot sa P6.9 milyong halaga ng hinihinalang kush at ecstasy ang nadiskubre at kinumpiska sa isinagawang interdiction operation ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) bago mananghali ng Huwebes, Abril 23.

Sa inisyal na report, sinabi ng NAIA IADITG na isinagawa ng mga operatiba ang operasyon bandang alas-11:00 ng umaga sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.

Sa unang binuksang parcel na idineklarang “Mama Cake Durian” na ipinadala ng isang Sarocha Singta ng 1121 Arun Amarin 42 Bang Yi Khan Bang Phlat, Bangkok 10708 at naka-consign kay Ria Jordan (09210579443) ng 27 Fontaine Street, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City, ay may laman na isang kulay kayumanggi na kahon kung saan nadiskubre ang apat na kulay orange na plastic packs na naglalaman ng 198 gramo ng pinatuyong dahon at apat pang kulay berdeng foil packs na mayroong 104 gramo rin ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ang binuksang ikalawa at ikatlong parcel ay parehong idineklarang mga “Dog Food” na ipinadala ng Coastal Wholesale LLC, 106 Freshwater Dr., Phoenix, OR 97535, USA na parehong naka-consign sa isang Louise Heruela (2345234123) ng 1 Rodolfo N. Pelaez Blvd., Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Philippines.

Sa ikalawa at ikatlong parcel ay parehong naglalaman ng tig-apat na plastic pouches na may tig-walong kulay itim na heat-sealed transparent plastic pouches kung saan nakasilid ang 1,963 gramo at 1,966 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Samantala, ang ika-apat na binuksang parcel na idineklarang “Science Dino-Bot” ay ipinadala ni Mavin Van Ess ng De Roovan Alderwerertlaan 13, 3832 AT Leusden, The Netherlands, at naka-consign ito sa isang Jordan Navaro J. Te ng 100 Mega Homes, Macasandig, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, kung saan may nadiskubreng apat na plastic pouches, kabilang ang dalawang nakabukas na transparent plastic pouches na may laman na 325 pink-colored tablets na hinihinalang ecstasy.

Sa kabuuan ay isinuma ng NAIA IADITG na nakumpiska ng mga ito sa apat na abandonadong parcel ang mahigit apat na kilo o 4,231 gramo ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana kush na nagkakahalaga ng P6,346,500 at 325 pink-colored tablets na pinagsususpetsahan namang ecstasy (MDMA) na may halagang P552,500.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng RA 9165 ang mga nasasangkot na indibidwal sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/ larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here