MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkamatay ng isang tauhan nito matapos saksakin habang nagpapahinga at naglilibang sa Barangay New Canipo, San Vicente, Palawan.
Sa ibinahaging impormasyon ng PCG, ang biktima ay isang 26-anyos na Apprentice Seaman (ASN) na si Ronnie Caracol na nakatalaga sa Coast Guard Station (CGS) Cuyo.
Nangyari ang insidente alas-3 ng madaling araw nitong Abril 22.
Ayon sa PCG, nagtamo ng multiple stab wounds si Caracol at idineklarang dead on arrival sa pinadalhan ospital.
Inatasan na ang Palawan Investigation and Detection Unit (MARSLEG-PAL IDU) na manguna sa masusing imbestigasyon sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP).
Inatasan din ang Coast Guard Station (CGS) Roxas na magbigay ng full assistance at suporta sa naulilang pamilya ng biktima.
Nagpahayag din ng pakikiramay sa pamilya ang PCG at nanindigan sa pangako nito sa pagsusulong ng hustisya at pagtitiyak ng pananagutan. Jocelyn Tabangcura-Domenden