Home METRO Bebot timbog sa P1.8M puslit na yosi

Bebot timbog sa P1.8M puslit na yosi

85
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga pulis ang isang babae at nasamsam ang mahigit ₱1.8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa operasyon sa national highway sa Matanog, Maguindanao del Norte nitong Huwebes ng tanghali.

Isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Action Force, at Matanog municipal police station matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa transportasyon ng mga undocumented na sigarilyo.

Ayon kay Brig. Gen. Jaysen de Guzman, regional director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), naaresto ang suspek sa Barangay Bugasan Norte.

“Our troops acted on time after receiving information regarding an individual involved in the illegal sale and transport of undocumented cigarettes lacking the required graphic health warnings,” sabi ni de Guzman.

Nasamsam sa operasyon ang 35 master cases ng Fort cigarettes na may tig-50 reams, isang multi-cab, isang minivan, at marked money na ginamit sa operasyon.

Isinagawa ang on-site inventory ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng isang opisyal ng barangay upang masiguro ang transparency at tamang proseso.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang constitutional rights at dinala siya kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG Regional Field Unit–BAR para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Ayon kay de Guzman, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling at tiniyak ang patuloy na kooperasyon ng mga law enforcement agencies sa paghabol sa mga lumalabag sa batas. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here