Home HOME BANNER STORY Mag-ina ni Mike Defensor kinasuhan ng human trafficking; kaso sa iligal na...

Mag-ina ni Mike Defensor kinasuhan ng human trafficking; kaso sa iligal na droga sisilipin!

151
0

MANILA, Philippines – PASOK sa mga kasong human trafficking sa Pasig City ang mag-inang Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor, asawa at anak ni dating Cong. Mike Defensor.

Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-ina ni Defensor sa Pasig City Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act.

Kasama nina Julie Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor na kinasuhan ang iba pang personalidad na inaasahang papangalanan mamayang hapon.

Nauna rito ay sinalakay ng NBI ang isang disco bar na pag-aari umano ng mag-ina, at nasa 54 na kababaihang biktima ang nasagip.

Sa report ng NBI, ginagawa umanong ‘customer care assistants’ ang mga babaeng biktima kapalit ng mula P10,000 hanggang P20,000 na katumbas ng sexual exploitation.

Sa mga kwarto umano ng isang hotel na pagmamay-ari umano ng kumpanyang pinamamahalaan ng mag-inang Defensor nangyayari ang aktwal na sex exploitation.

Pinag-aaralan na rin kung paano makakasuhan ang mag- ina kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 makaraang matuklasan din ng NBI ang umano’y paggamit ng ilegal na droga sa naturang establisyimento. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here