Home NATIONWIDE Abogado ni VP Sara may paglilinaw sa ‘no declared cash’ sa SALN:...

Abogado ni VP Sara may paglilinaw sa ‘no declared cash’ sa SALN: It’s under ‘others’

79
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng abogado ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Abril 24 na walang cash on hand na idineklara sa opisyal na Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) mula 2019 dahil ito ay nasa ilalim ng “others” line item.

Ito ang paliwanag ni Atty. Michael Poa, spokesperson para sa defense team ni Duterte, kaugnay sa kawalan ng cash in bank ni Duterte sa kanyang SALN declarations mula 2019 hanggang 2024, na pinuna sa pagdinig ng House justice committee sa impeachment complaints laban sa kanya.

“Upon consultation with our client, the Vice President, ang nangyari kasi doon is…it was lumped doon sa ‘others.’ ‘Yung sa SALN kasi meron ‘yan—real properties, personal properties. Pagdating sa personal properties, naka-lump na lang ‘yung amount under the heading ‘others.’ ‘Yun ‘yung line item,” ani Poa sa isang panayam.

Sinabi rin niya na ang cash in bank at maging ang mga alahas ni Duterte ay sama-sama sa ilalim ng specific line item.

“So we’d like to clarify na… ‘yung sinasabing hindi dineklara ‘yung cash, or sinasabing ang pagkadeklara ay walang cash. Meron, actually. It’s just that it was lumped lang po,” aniya.

Samantala, nang tanungin naman kung nagkaroon ng pagbabago sa presentation ng mga SALN ni Duterte, dahil bago ang 2019 ay idinedeklara ang cash in bank, sinabi naman ni Poa na sasagutin nila ito sa hinaharap.

“But sa ngayon, ‘yun muna ang mabibigay natinng explanation kasi ‘yun ang na-explain sa atin ng kliente natin,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito ay wala naman umanong pagbabawal na sama-samang ideklara ang mga bagay-bagay lalo na ang mga personal properties na may kaparehong uri.

Nanindigan din ito na walang planong magtago ng kung anuman si Duterte.

“Sa atin, gusto lang natin ipakita na walang any intent to conceal anything. Wala rin intent na hindi mag-declare ng mga bagay. In fact, the Vice President has stated in her statement na lahat ng ari-arian niya, dineclare niya, kahit nga ‘yung mga entrust na-declare niya. So, there was really no intent here to conceal anything whatsoever,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here