Home ENTERTAINMENT Matet, hinamon ng ‘durugan’ ang bashers ng mga anak!

Matet, hinamon ng ‘durugan’ ang bashers ng mga anak!

111
0

Manila, Philippines A You asked for it, Matet de Leon just gave it!

Hindi na nakapagpigil si Matet na patulan ang bashers ng kanyang mga anak, to the point of addressing them as “mga tae.”

Ito ang nilalaman ng Facebook post ni Matet.

Ipinost ng aktres ang screenshot ng isang video kuha noong dumalaw ang kanyang pamilya sa puntod ng kanilang inang si Nora Aunor.

Dressed in white, nagbigay-pugay ang pamilya sa unang taon ng pagpanaw ni Nora.

Nasa screenshot din ang mga negative comments patungkol sa mga anak ni Matet na sina Mishka, Mikaela at Mia.

Ayon sa post ni Matet: “Ayan. Mga taeng nandadamay ng mga bata!”

Inuusisa kasi kung bakit tila masungit ang hitsura ng tatlo niyang anak–kesyo mga “snob” at pangit kung makatingin.

Bale ba, nagpapanggap lang daw na malungkot ang mga ito.

Dito na rumesbak si Matet through her post: “Ang inet inet, gusto n’yo ngumiti mga anak ko? Namatayan ng lola ang mga ‘yan. Hindi ‘yan party!”

Malungkot daw ang tatlo as they were close to their Mama Guy.

Sa katunayan, hawak pa nga daw ni Mishka ang kamay ng kanyang lola hanggang sa huling sandali.

Dagdag ni Matet: “Traumatic at masakit para sa mga bata. Gusto n’yo kumaway-kaway??? Ngumiti? Anong nakakatuwa?”

Umabot na din sa puntong pinangalanan na ni Matet sa social media ang mga bashers ng mga anak.

“Pag pinatulan ko kayo, huwag kayong mapipikon!” saad pa ni Matet.

Hinamon pa ni Matet ang mga ito nang “durugan”–hindi daw puwedeng ang mga ito lang ang salbahe.

Ayan, ginalit n’yo si Matet! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here