MANILA, Philippines – Binatikos ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon nitong Biyernes, Abril 24 ang paliwanag ng legal team ni Vice President Sara Duterte na ang bank cash ay wala sa SALN dahil ito ay ipinasok sa ibang kategorya sa kanyang net worth statements.
Sa pahayag, sinabi ni Ridon na ang paliwanag na ang cash in bank ni Duterte ay isinama sa “others” sa kanyang statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) ay “implausible” at nagsasawalang-bahala sa disclosure guidelines na nag-oobliga ng transparency at posible ring sumasalamin umano ng betrayal of public trust.
“If you’re going to make excuses, at least think them through,” ani Ridon.
“It’s insulting to treat all Filipinos as fools.”
Noong Miyerkules, natanggap ng House committee on justice ang mga SALN ni Duterte na nagpakitang idineklara niya ang ‘no cash on hand’ o ‘in bank’ mula 2019 hanggang 2024 sa kabila ng pagtaas ng yaman nito sa loob ng ilang taon bilang public official.
“She disclosed because it was all lumped under the others,” ayon kay Poa sa isang media briefing.
Ani Ridon, ang paliwanag ay isang ‘weak attempt’ para lumusot sa nakita ng mga mambabatas na iregularidad sa financial disclosures ni Duterte.
“You cannot hide a clear asset behind the word ‘others’,” anang mambabatas.
“The SALN is a sworn legal document. It must be clear, detailed, and without concealment.”
“Cash in bank is a basic asset — it cannot be buried under ‘others’ without raising serious questions.” RNT/JGC