Home NATIONWIDE Legal team ni FPRRD aapela sa confirmation of charges ng ICC Pre-Trial...

Legal team ni FPRRD aapela sa confirmation of charges ng ICC Pre-Trial Chamber I

80
0

THE HAGUE – Maghahain ng apela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa desisyon ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na kumpirmahin ang mga kaso kaugnay ng mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs.

Ayon sa abogadong si Nicholas Kaufman, hihiling sila ng pahintulot upang kuwestiyunin ang aniya’y “bizarre” at “Kafkaesque” na ruling ng ICC.

“The defense will seek leave to appeal the most bizarre and Kafkaesque assertion by the Pre-Trial Chamber that there is no need, and I quote, for ‘the charges to contain unnecessary details that could be too specific and limiting at trial,” ani Kaufman.

“Perhaps this explains why not one item of evidence was cited in the footnote of this decision,” dagdag pa niya.

Ani Kaufman, tila pumapanig sa prosekusyon ang pre-trial chamber at walang konsiderasyon para sa karapatan ni Duterte sa patas na paglilitis.

Samantala, sinabi ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na tila “pre-judged” na ang kaso.

“Instead of resolving the issue, it proceeded with the hearing, which means it has already pre-judged the case… Iko-convict nila ‘yan kasi nga merong sabwatan ang ICC at government natin ngayon,” sinabi ni Panelo.

Pinabulaanan naman ito ng Malacañang. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nauna nang naisampa ang mga kaso noong 2017, bago pa ang kasalukuyang administrasyon.

“Kung walang mga pinatay noon, walang kaso at walang anumang hearing sa ICC kaya kung anuman ang ginawa nina FRRD at mga co-perpetrators noon, huwag isisi kay Pangulong Marcos Jr. ngayon,” ani Castro.

“Sila-sila ang nag-implement ng war on drugs at hindi kasama si Pangulong Marcos Jr. sa mga pagpaplano nila na patayan,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here