Home HOME BANNER STORY Royina Garma tetestigo sa ICC trial ni FPRRD – Trillanes

Royina Garma tetestigo sa ICC trial ni FPRRD – Trillanes

74
0

MANILA, Philippines – Handang tumestigo si dating Police Colonel Royina Garma bilang witness sa paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV, natanggap niya ang impormasyon dahil ang kanyang team ang unang nagpalutang ng usapin ng extra-judicial killings sa Pilipinas sa ICC.

Bagamat hindi malinaw kung ano ang sakop ng testimonya ni Garma, matatandaan na sinabi nito sa komite ng Kamara ang pagpapatupad sa buong bansa ng “Davao Model” o sistema ng pagpatay ng mga hinihinalang drug personalities.

Samantala, sinabi ni Trillanes na bukod kay Garma ay tetestigo rin sa ICC sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here