Home OPINION PAG-IBIG HOUSING FAIR, ITUTULOY SA LAGUNA AT CEBU: PANGARAP NA BAHAY,...

PAG-IBIG HOUSING FAIR, ITUTULOY SA LAGUNA AT CEBU: PANGARAP NA BAHAY, ABOT-KAMAY NA

138
0

IPINAGPAPATULOY ng Pag-IBIG Fund ang serye ng kanilang mga housing fair sa South Luzon at Visayas ng South Luzon fair ay gaganapin sa Abril 27 at 28 sa Jose Rizal Coliseum sa Calamba City, Laguna, habang ang Visayas fair naman ay itinakda sa Abril 30 at Mayo 1 sa IEC Convention Center Cebu.

Itatampok sa dalawang fair na ito ang mahigit 20,000 hou­sing units mula sa mga partner deve­loper at mga acquired pro­perty (mga bahay na nakuha ng ahensya) na ipinagbibili, upang mailapit ang mas maraming opsyon sa pabahay sa mga mang­gagawang Pilipino at kanilang mga pamilya.

Ang mga housing fair na ito ay bahagi ng pagsisikap ng De­­partment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pag-IBIG Fund, sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Prog­ram (4PH) ng administrasyong Marcos. Layunin nito na gawing mas madali at accessible ang pagkakaroon ng sariling taha­nan.

“Patuloy nating sinusunod ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ga­wing mas abot-kaya ang ma­ayos na pabahay para sa mga pamilyang Pilipino,” ani DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling, na siya ring Tagapangulo ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Abot-kayang Hulog at Mababang Interes

Kasama sa mga itatampok ay ang mga socialized housing units sa ilalim ng Expanded 4PH Program, gaya ng:

* Pasinaya Heights (Laguna): Presyong P1.404 milyon, na may buwanang hulog na kasingbaba ng P2,257.91 sa unang taon.

* Asenso Yuhum Residen­ces (Bacolod): Isang 24-square-meter na condo unit na nagkakaha­laga ng P1.059 milyon, na may buwanang hulog na kasingbaba ng P1,703.08 sa unang taon.

Ang mga murang hulog na ito ay posibleng makuha sa pa­mamagitan ng Housing Loan Program ng Pag-IBIG, na nag-aalok ng subsidiya na 3% inte­rest rate para sa unang limang taon.

Mayroon ding Early Bird Pro­mo kung saan ang unang 30,000 kwalipikadong nanghi­hi­ram ay maaaring magtamasa ng 3% interest rate sa loob ng unang 10 taon.

Mas Mura Kaysa Renta

Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta, ang kani­lang mga home loan ay nagbibigay-daan sa mga low-income members at mga OFW na magkaroon ng disenteng bahay sa halagang madalas ay mas mababa pa kaysa sa kasalukuyang upa o renta.

“Sa pamamagitan ng mga housing fair na ito, ginagawa nating mas konkreto ang pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga opsyon sa bahay at gabay sa pinansyal sa isang lugar, kung saan maaaring maghambing ng mga pagpipilian ang mga miyembro,” dagdag ni Acosta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here