Home HOME BANNER STORY Pagtitipid ng kuryente, hinikayat ng DOE

Pagtitipid ng kuryente, hinikayat ng DOE

89
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga power consumer na makiisa sa isang oras na pagtitipid sa kuryente na tinawag na Oras Natin sa Efficiency (ONE) mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi tuwing Sabado, simula ngayong weekend.

Ayon kay DOE Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino, bahagi ito ng programa ng gobyerno upang makatulong sa posibleng epekto ng krisis sa suplay ng langis dulot ng sigalot sa Middle East.

“In the current state of national emergency, ONE is aimed to encourage our citizens to be part of the solution,” ani Aquino sa panayam.

Batay sa DOE, umabot sa 145 megawatts ang natipid noong Earth Hour noong Marso 28, na katumbas ng kuryenteng maaaring magpatakbo ng humigit-kumulang isang milyong kabahayan.

Payo ng DOE sa publiko, patayin at i-unplug ang mga hindi ginagamit na appliances upang mabawasan ang konsumo ng kuryente.

Umaasa rin ang ahensya na lalahok din ang pribadong sektor at mga organisasyong sibiko sa naturang lingguhang aktibidad sa mga susunod na linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here