Home METRO Farm, training center sa Cagayan, ipinasara ng DMW sa illegal recruitment

Farm, training center sa Cagayan, ipinasara ng DMW sa illegal recruitment

115
0

CAGAYAN, Philippines – Sinara ng Department of Migrant Workers–Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program (DMW-ARTPP) ang isang farm at training center sa Barangay Iringan, Allacapan, Cagayan noong Biyernes matapos ang reklamo ng umano’y illegal recruitment.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, lumabas sa reklamo ni farmworker Neil Panes na ang Estepa’s Integrated Farm and Training Center Inc. ay umano’y nag-aalok ng trabaho sa abroad sa mga bansa tulad ng Poland, Lithuania, Greece, at Hungary bilang farmer, fisher, pastry worker, factory worker, at baker, na may sahod na 1,200 Euros o humigit-kumulang ₱80,000 hanggang ₱90,000.

Sinabi rin na naniningil umano ang training center ng ₱5,000 na training fee at ₱250,000 na processing fee.

Ang naturang farm ay accredited training center ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Aurelia Estepa, na nagpapatakbo ng pasilidad, magkokonsulta siya sa kaniyang abogado at maglalabas ng pahayag kaugnay ng isyu.

Sinabi ng DMW na kakasuhan ng illegal recruitment ang mga incorporators at isasama sila sa List of Persons and Entities with Derogatory Record. Irerekomenda rin umano ang pagkansela ng kanilang registration sa Securities and Exchange Commission (SEC). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here