Home HOME BANNER STORY 10 lugar sa bansa nasa “danger” heat index; Metro Manila aabot sa...

10 lugar sa bansa nasa “danger” heat index; Metro Manila aabot sa 40–41°C

90
0

MANILA, Philippines – Aabot sa “danger” level ang heat index sa 10 lugar sa bansa sa Lunes, Abril 27, habang inaasahang mararamdaman sa Metro Manila ang 40°C hanggang 41°C, ayon sa PAGASA.

Batay sa ulat ng Pagasa, pinakamataas ang heat index sa Dumangas, Iloilo na aabot sa 45°C.

Nasa “danger” level (42°C–51°C) din ang mga sumusunod:

  • Sangley Point, Cavite City — 44°C

  • Iloilo City at La Carlota, Negros Occidental — 43°C

  • Guiuan, Eastern Samar — 43°C

  • Iba, Zambales — 42°C

  • San Ildefonso, Bulacan — 42°C

  • San Jose, Occidental Mindoro — 42°C

  • Puerto Princesa City at Cuyo, Palawan — 42°C

Sa Metro Manila, 41°C ang inaasahan sa NAIA, Pasay at 40°C sa Science Garden, Quezon City—sakop ng “extreme caution” level (33°C–41°C).

Ayon sa Pagasa, ang ganitong init ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kung matagal ang exposure sa araw.

Nagpaalala ang ahensya sa publiko na iwasan ang matagal na paglabas, uminom ng maraming tubig, magsuot ng magaang damit, at iwasan ang matinding aktibidad sa tanghaling tapat. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here