MANILA, Philippines – Nauwi sa rambulan ang isinagawang Street party sa isang lugar sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng madaling araw na nagdulot ng takot sa ilang mga residente.
Dahil dito, nanawagan ang mga residente sa mga awtoridad at sa pamahalaang lokal ng Maynila na higpitan ang regulasyon sa pagsasagawa ng kasiyahan tulad ng Street party upang maiwasan ang anumang kahulugan at pangamba.
Nabatid na sakop ng Barangay 221 Zone 21 sa Tondo ang kaganapan kung saan nagsimula umano ang pagtitipon bilang selebrasyon ng pista ngunit kalaunan ay nauwi sa tensyon at kaguluhan sa pagitan ng ilang dumalo.
Ilan sa sangkot sa rambulan ay mga nagbatohan ng mga bote kaya naman nagkalat ng mga bubog sa lugarĀ na lalong ikinabit ng mga residente sa lugar.
Iginiit din ng ilang concerned citizen ang pangangailangan ng mas mahigpit na pagbibigay ng permit, mas maayos na crowd control at mas istriktong pagpapatupad ng seguridad sa mga ganitong okasyon upang maiwasan ang anumang Dingras ya sa hinaharap.
Wala namang iniulat na nagtamo ng matinding pinsala sa naganap na labo-labo ng mga nakilahok sa naturang kasiyahan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente kung bakit sumiklab ang rambulan sa pagitan ng mga kabataan sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden