Home TOP STORIES Take over sa SOCOTECO II, pinangangambahan ng konsyumer

Take over sa SOCOTECO II, pinangangambahan ng konsyumer

102
0

Pinangangambahan ng member-consumer-owners (MCOs) ng South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) ang magiging kinabukasan ng kanilang kooperatiba kapag mabigyan ng pagkakataon ang Manila Electric Company (MERALCO) na i-take over ito.

Ang SOCOTECO II ay isang electric cooperative power distribution utility para sa General Santos City sa South Cotabato at sa iba pang kalapit na lugar.

Napag alaman na nagpupumilit ng MERALCO na i-take over ang SOCOTECO II at i-convert sa stock for profit corporation na idadaan sa referendum na desisyunan lamang ng iilang MCOs.

Ang pinag-uugatan ng usapin ay ang voting requirement kung gaganapin ang referendum ng SOCOTECO II kung saan lumilitaw na magkakaiba ang susunding bilang ng boto depende sa opsyong pagdedesisyunan ng Board of Directors (BODs).

Kabilang sa mga pinagpipilian para sa modernisasyon ng SOCOTECO II ay ang IGNITE joint venture (JV); ang MERALCO takeover proposal; at ang usapin ng pagpaparehistro sa Cooperative Development Authority (CDA).

Sa IGNITE JV, hinihingi ang 50% + 1 vote na sinasabing isang napakahirap na requirement lalo’t di-bababa sa 200,000 MCOs mayroon ang SOCOTECO II, habang sa MERALCO proposal at sa CDA registration, simple majority lamang mula sa bilang ng mga aktwal na boboto sa araw ng referendum.

“Sa IGINITE, at least 100,001 votes ang kailangan, assuming na mayroon kaming 200,000 member-consumer-owners. Kahit mahirap ay ok lang kasi mas participatory ang decision making dito. Habang sa MERALCO at CDA proposals ay ibabase lang sa simple majority, let say, kung may 50,000 na pumunta sa referendum, kailangan lang ng 25,001 votes para makalusot ang takeover,” lahad ng isang grupo ng MCOs na tumanggi munang magpakilala habang nagaganap ang negosasyon.

Kaugnay nito, nabatid na tinanggihan na ng BODs ng SOCOTECO II ang planong MERALCO takeover at uumpisahan na rin nilang makipagnegosasyon sa Ignite Power.

Ngunit nagbabala ang MERALCO na kukwestyunin nila sa korte ang pagbasura sa kanila ng SOCOTECO BODs. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here