Home NATIONWIDE 3 hukom na lilitis sa kaso ni Digong, itinalaga ng ICC

3 hukom na lilitis sa kaso ni Digong, itinalaga ng ICC

87
0

MANILA, Philippines — Itinalaga ng International Criminal Court (ICC) nitong Martes ang mga hukom na bubuo sa Trial Chamber III na hahawak sa kasong crimes against humanity laban kay dating pangulong Rodrigo R. Duterte.

Bubuuin ang panel nina French Judge Nicolas Guillou, British Judge Joanna Korner, at Korean Judge Keebong Paek. Ayon sa ICC, ang tatlong hukom ay may malawak na karanasan sa international criminal law, kabilang ang mga kasong may kinalaman sa war crimes at crimes against humanity sa Palestine, Sudan, at Mali.

“The Judges of the ICC are persons of high moral character, impartiality and integrity who possess the qualifications required in their respective States for appointment to the highest judicial offices,” ayon sa ICC, at idinagdag na sila ay inihalal batay sa kanilang kahusayan sa criminal law at iba pang larangan ng international law.

Kapag nabuo na ang Trial Chamber III, magsasagawa ito ng status conferences at pakikipagpulong sa mga panig upang itakda ang petsa ng paglilitis.

Nauna nang iniutos ng Pre-Trial Chamber I ng ICC noong nakaraang linggo na isailalim sa full trial si Duterte matapos kumpirmahin ang mga kasong inihain ng prosekusyon.

Sa desisyong may petsang Abril 23, sinabi ng hukuman na may “substantial grounds to believe” na si Duterte ay “criminally responsible” sa tatlong bilang ng crimes against humanity na umano’y naganap mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019 sa ilalim ng “war on drugs” campaign. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here