Home NATIONWIDE Lotto bettors bokya sa P133M jackpot

Lotto bettors bokya sa P133M jackpot

76
0

MANILA, Philippines —  Walang nanalo sa jackpot ng mga pangunahing lotto draw noong Martes, Abril 28, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa Ultra Lotto 6/58, lumabas ang kombinasyong 09-47-32-39-45-33 para sa jackpot na ₱75 milyon. Sa Super Lotto 6/49, nakuha ang 27-09-34-05-16-42 na may premyong ₱30.23 milyon, habang sa Lotto 6/42 ay lumabas ang 15-09-12-16-37-35 na may jackpot na ₱27.87 milyon.

Wala ring nanalo sa 6D Lotto na may kombinasyong 8-1-5-2-1-5 para sa ₱3.6 milyong premyo.

Samantala, may mga nanalo sa minor games. Sa 3D Lotto, may 224 na nanalo sa 2 p.m. draw (0-2-3), 606 sa 5 p.m. draw (5-3-0), at 597 sa 9 p.m. draw (6-3-0), na tumanggap ng tig-₱4,500.

Sa 2D Lotto naman, 306 ang nanalo sa 2 p.m. draw (05-30), 166 sa 5 p.m. draw (10-13), at 318 sa 9 p.m. draw (20-30), na may tig-₱4,000 na premyo.

Ayon sa PCSO, ginaganap ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo; ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo; at ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here