Home HOME BANNER STORY 1.4M pamilyang Pinoy, malulugmok sa kahirapan ‘pag ‘di umaksyon gobyerno sa oil...

1.4M pamilyang Pinoy, malulugmok sa kahirapan ‘pag ‘di umaksyon gobyerno sa oil crisis – DSWD

269
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 1.4 milyong pamilyang Pilipino ang posibleng bumagsak sa kahirapan kung kulang ang magiging tugon ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na oil crisis, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inilahad ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang pagtataya sa pagdinig ng Senate PROTECT Committee, batay sa mga proyeksiyong kaugnay ng epekto ng sigalot sa Middle East sa presyo ng langis.

“According to [Philippine Institute for Development Studies], who does heavy work with us, if the government will not do anything, based on the [Asian Development Bank] simulations, nandoon ho tayo sa first stage, the first three months all the way to July,” ani Gatchalian.

“Now in that stage, ang projection nila, which we concur, if the government will not do anything, around 1.4 million new poor ang mangyayari ho. In fact our numbers are bigger than what you stated,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking hindi madadagdagan ang mahihirap, simula sa target na tulong para sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Gatchalian, tinatayang 7.5 milyong kabahayan ang bibigyan ng ayuda, kabilang ang 3.5 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 1.5 milyong mahihirap na sambahayan na tinukoy sa Community-Based Monitoring System, at 2.5 milyong near-poor o mababang sahod na manggagawa na rehistrado sa Social Security System.

“Yung mga amount na pinag-uusapan namin ay kina-calculate namin to make sure na maibalik namin yung spending power nila na nag-diminish lalong lalo na yung bottom 30 na decile,” ani niya.

Tinatayang aabot sa P74 bilyon ang kakailanganing pondo upang masuportahan ang bottom 30 porsiyento ng mga kabahayan.

Kinilala rin ni Gatchalian ang posibleng pagkapagod ng publiko sa ayuda, ngunit binigyang-diin na nahihirapan ang mga ekonomiya na makabawi kung walang sapat na suporta mula sa pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na mahigit 400,000 kabahayan ang maaaring mapabilang sa near-poor category. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here