Home METRO 89-anyos na lola, tusta sa sunog sa Iloilo

89-anyos na lola, tusta sa sunog sa Iloilo

69
0

ILOILO – Nasawi ang isang 89-anyos na babae matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Sara, Iloilo, kung saan nasunog din ang limang kabahayan.

sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog matapos matumba ang isang mosquito coil na naiwan at patuloy na nakasindi sa loob ng isang bahay.

Sinubukan umanong ilabas ng kapatid ang biktima ngunit tumanggi itong lumikas sa bahay. Nagtamo rin ng paso at sugat ang naturang kapatid.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente na nagdulot ng paglikas ng ilang pamilya sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here