Home METRO 18-anyos utas sa salpok sa poste

18-anyos utas sa salpok sa poste

70
0

PANGASINAN – Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang kongkretong poste sa bayan ng Sison.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima na residente ng Barangay Agat ay nawalan umano ng kontrol sa motorsiklo bago sumalpok sa isang poste ng ilaw sa gilid ng kalsada sa Barangay Amagbagan.

Nadatnan ng mga rumespondeng awtoridad na nakatihaya ang motorsiklo habang nakahandusay ang biktima sa tabi nito.

Ayon sa pulisya, walang suot na helmet ang biktima nang mangyari ang aksidente. Wala rin siyang lisensiya at hinihinalang nakainom ng alak.

Patuloy pang kinukuhanan ng pahayag ang pamilya ng biktima kaugnay ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here