MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes ang suspensyon ng expanded number coding scheme sa Biyernes, Mayo 1, 2026, bilang paggunita sa Araw ng Paggawa.
Ayon sa abiso ng MMDA, awtomatikong isinasantabi ang number coding scheme tuwing regular at special non-working holidays.
Pinayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe upang maiwasan ang abala, lalo na’t inaasahan ang pagdami ng mga bumiyahe sa long weekend. Paalala rin ng ahensya sa publiko ang pagsunod sa road safety at pag-iingat sa pagmamaneho.
Ang Araw ng Paggawa, na ginugunita tuwing Mayo 1, ay isang regular na holiday bilang pagkilala sa ambag at sakripisyo ng mga manggagawa sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya. Dave Baluyot