Home NATIONWIDE Rep. Barzaga, PDP-Laban na

Rep. Barzaga, PDP-Laban na

78
0

MANILA, Philippines – Nanumpa bilang bagong miyembro ng PDP Laban si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga noong Miyerkules, Abril 29, 2026, ayon sa magkahiwalay na social media posts ng partido at ng kongresista.

Dating miyembro ng National Unity Party (NUP), naging ganap na kasapi si Barzaga matapos makumpleto ang Basic Membership Seminar ng Duterte-led PDP Laban.

Dumating ang kanyang paglipat ng partido habang kinakaharap niya ang posibleng pagpapatalsik sa Kamara. Ayon kay House Deputy Speaker Janette Garin noong Martes, maaaring ma-expel si Barzaga dahil sa paulit-ulit na kabiguang magpakita ng wastong asal at gampanan ang tungkulin bilang mambabatas. May ilang reklamo rin siyang kinakaharap sa House ethics panel.

Una nang nasuspinde si Barzaga ng 60 araw noong Disyembre ng nakaraang taon nang walang sahod at allowances dahil sa disorderly behavior kaugnay ng umano’y hindi angkop na social media posts. Noong Pebrero, ipinataw ng House of Representatives ang karagdagang 60 araw na suspensyon nang walang sahod at iba pang allowances laban sa kanya dahil sa kanyang “utter contempt for institutional standards.”

Matapos ang karagdagang suspensyon, sinabi ni Barzaga na isa lamang itong distraksiyon mula sa imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa mga flood control project.

“This is still pushing the issue away from the flood control [mess], which is what we should be prioritizing… as well as the rampant corruption that we see within the government right now,” ani Barzaga.

Wala rin aniyang pagsisisi si Barzaga sa kanyang mga ginawa.

“If I were to regret it, then I would not have said it in the first place. Every congressman must be investigated for their involvement, since this (not only implicates) one congressman but the House as a whole,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here