Home METRO Kambal na sunog tumupok sa mga kabahayan sa Sta. Ana at NIA...

Kambal na sunog tumupok sa mga kabahayan sa Sta. Ana at NIA Road

286
0

MANILA, Philippines – Dalawang magkahiwalay na sunog ang sumiklab madaling araw ng Huwebes, Abril 30, sa Maynila at Quezon City, na parehong umabot sa mataas na alarm level at nakaapekto sa mga siksikang komunidad na gawa sa mga light materials.

Sa Sta. Cruz, Maynila, sumiklab ang sunog sa Mayhaligue Street sa Masangkay area bandang 2:41 a.m. at mabilis na lumaki hanggang umabot sa ika-4 na alarma habang kumakalat ang apoy sa mga kabahayan. Patuloy na nakikipaglaban ang mga bumbero sa apoy mahigit isang oras matapos itong sumiklab, ngunit nahirapan ang operasyon dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig.

Nagpadala ang Philippine Red Cross ng fire at medical teams upang tumulong sa Bureau of Fire Protection (BFP), habang nakaantabay ang emergency responders. Pinayuhan ang mga residente sa kalapit na lugar na lumikas dahil patuloy na banta ang apoy sa mga katabing bahay. Inaalam pa ang sanhi at lawak ng pinsala ng sunog.

Samantala, sa Quezon City, sumiklab ang sunog sa NIA Road sa Barangay Pinyahan bandang 1:00 a.m. at umabot sa ikatlong alarma pagsapit ng 1:25 a.m., ayon sa BFP. Mabilis na kumalat ang apoy sa masikip na residential area kaya’t agad na itinaas ang alarma sa loob lamang ng ilang minuto.

Patuloy ang operasyon ng mga bumbero sa lugar habang inaalam pa ang sanhi ng sunog, gayundin ang posibleng mga nasawi at lawak ng pinsala. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here