Home NATIONWIDE Dalawang reklamo vs VP Sara, pag-iisahin na lang – Luistro

Dalawang reklamo vs VP Sara, pag-iisahin na lang – Luistro

100
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Committee on Justice Chair Gerville Luistro na isang “consolidated” o pinagsama-samang Articles of Impeachment na lamang ang iaakyat ng komite sa plenaryo laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng naging desisyon ng komite nitong Abril 29, kung saan nakakuha ng tig-53 unanimous na boto ang Saballa at Cabrera complaints para ideklarang mayroong probable cause ang reklamo.

Ipinaliwanag ni Luistro na ang naging motion ni ML Partylist Rep. Leila de Lima para sa konsolidasyon ay naglalayong gawing mas simple at komprehensibo ang proseso sa Kamara.

“So dalawang impeachment complaint Saballa at Cabrera lahat ng allegations dito i-consolidate na under one articles of impeachment,. We can have one articles of impeachment only before the committee and we can transmit one articles of impeachment only as well,” ani Luistro.

Nakatakda ang susunod na pagdinig ng komite sa Mayo 4, 2026, alas-10 ng umaga, para sa pag-apruba ng committee report at ang resolusyong magtatakda ng pormal na Articles of Impeachment.

Nilinaw din ni Luistro na hindi dapat madaliin ang botohan sa plenaryo dahil kailangang bigyan ng sapat na panahon ang mga mambabatas na pag-aralan ang kaso.

“So after giving them reasonable time to study the articles of impeachment and all the documents the plenary should be ready to vote. As to when, it will depend on the plenary,” dagdag ng mambabatas.

Sinabi ni Luistro na hakbang na ito ay alinsunod sa gabay ng Korte Suprema upang matiyak na ang bawat miyembro ay makakabuo ng isang “informed decision.”

“Ang nilalaman ng Supreme Court decision sa kasong Duterte vs. House of Representatives, dapat pagkalooban ng sapat na panahon ang mga miyembro ng House of Representatives upang mapag-aralan nila ang articles of impeachment along with attached documents and evidence bago sila bomoto dito,” paliwanag ni Luistro.

Samantala, ang House Plenary na ang siyang magtatakda kung kailan ang botohan para sa articles of impeachment kung saan kailangan ang one-third vote ng mga mambabatas. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here