Home NATIONWIDE US naval blockade sa Hormuz, tatagal ng ilang buwan – Trump

US naval blockade sa Hormuz, tatagal ng ilang buwan – Trump

72
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Donald Trump na maaaring tumagal ng ilang buwan ang naval blockade ng United States laban sa Iran, na nagtulak sa pagtaas ng presyo ng langis sa pinakamataas na antas sa loob ng mahigit apat na taon.

Ayon kay Trump, mas epektibo ang pagharang sa mga pantalan ng Iran kumpara sa pambobomba, kahit iginiit ng Tehran na dapat itong alisin bago magkaroon ng kasunduan. Sa panayam sa Axios, sinabi niya, “They are choking like a stuffed pig. And it is going to be worse for them.”

Nanatiling deadlock ang diplomasya sa pagitan ng Iran at United States. Nakipag-usap din si Trump kay Vladimir Putin, na nagbabala ng “damaging consequences” kung muling aatake ang US at Israel laban sa Iran.

Umakyat ng 7.6 porsyento ang Brent crude sa $119.69 kada bariles, ang pinakamataas mula noong simula ng Ukraine war. Nakatuon ang tensyon sa kontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang humigit-kumulang isang-kalimang bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis.

Nagbabala ang United Nations Development Programme na maaaring magtulak sa higit 30 milyong tao sa kahirapan sa 160 bansa ang patuloy na pagtaas ng gastos dulot ng digmaan.

“It’s development in reverse,” ayon kay Alexander De Croo.

Iminungkahi ng Iran na luwagan ang kontrol nito sa Strait of Hormuz kapalit ng pag-alis ng blockade ng US, ngunit nananatiling nag-aalinlangan ang Washington. Ayon kay Mohammad Bagher Ghalibaf, layunin ng blockade na pahinain ang bansa mula sa loob.

Patuloy rin ang karahasan sa Lebanon sa kabila ng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hezbollah, kung saan may naitalang mga nasawi at sugatan sa panig ng Lebanese forces. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here