Home NATIONWIDE Walang brownout sa krisis sa MidEast, pero posible sa plant outages –...

Walang brownout sa krisis sa MidEast, pero posible sa plant outages – DOE

86
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang inaasahang brownout dahil sa kakulangan ng suplay ng gasolina sa kabila ng krisis sa Middle East, ngunit nagbabala sa posibleng pagkaantala ng kuryente dahil sa plant outages.

Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales, karaniwan ang pagkasira ng ilang planta tuwing tag-init.

“When you look at it seasonally, pag tag-araw may mga plantang nasisiira,” ani Sales.

Kaugnay nito, nanawagan si Senator Rodante Marcoleta na muling pag-aralan ang pag-e-export ng coal at gamitin na lamang ang lokal na produksyon upang mapababa ang presyo ng kuryente.

“Semirara coal production, atin po yun.Why are we exporting it? Do you have an answer for that? Ba’t iba pong bansa ang gumagamit? Wala na nga po tayong panggatong eh, binebenta pa natin ang panggatong natin. I think, magamit natin yung coal natin.Yun ang papababa sa kuryente.Bakit hindi po ganun?”

Samantala, iniulat ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) Undersecretary Joseph Capuno na may nakalaang P238.6 bilyon ang pamahalaan upang tugunan ang epekto ng digmaan sa West Asia, kung saan P41.6 bilyon na ang nailabas. Mayroon ding sapat na suplay ng gasolina ang bansa na tatagal ng humigit-kumulang 52 araw. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here