Home NATIONWIDE Rep. Duterte pinalagan ni Chair Luistro sa “pressure claim”

Rep. Duterte pinalagan ni Chair Luistro sa “pressure claim”

89
0

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni House Committee on Justice Chair Gerville Luistro ang mga alegasyon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na ginigipit ang mga miyembro ng Kamara upang paboran ang impeachment laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Iginiit ni Luistro na walang anumang tawag o pananakot na nakarating sa kanya o sa kanyang opisina upang idikta ang takbo ng imbestigasyon.

“In as far as I am concerned I beg to disagree with that. Wala po akong na-encounter na tumatawag na sinuman maging sa akin o sa aking chief of staff concerning the support to this impeachment process,” pahayag ni Luistro.

Ipinaliwanag ni Luistro na bilang pinuno ng komite, ang kanyang tungkulin ay manatiling neutral at sumunod lamang sa itinakda ng Konstitusyon.

Aniya, ang unanimous vote sa komite ay hindi bunga ng “influence” gaya ng paratang ni Rep Duterte bagkus ay base sa mga seryosong ebidensya gaya ng kuwestiyonableng confidential funds, unexplained wealth, at mga banta laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Una nang sinabi ni Rep Duterte na isang nagngangalang “Charise” ang nananakot sa mga Chief of Staff ng mga mambabatas na puputulan ng pondo ang kanilang mga distrito kapag hindi sumuporta sa impeachment. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here