Home METRO Drug den sa Batangas sinalakay ng PDEA; 6 arestado

Drug den sa Batangas sinalakay ng PDEA; 6 arestado

85
0
via PDEA

BATANGAS, Philippines – Nabuwag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang isang hinihinalang drug den at naaresto ang anim na suspek sa isinagawang operasyon noong Miyerkules sa Balayan, Batangas.

Ayon sa ulat ng PDEA Calabarzon, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanilang mga ahente kasama ang lokal na pulisya sa Barangay Gumamela bandang 12:15 p.m., na nagresulta sa pagsalakay sa nasabing lugar.

Kinilala ang mga naaresto sa kanilang mga alyas na sina “Delmar,” 55; “Paulo,” 30; “Ireneo,” 58; “Dennis,” 42; “Renz,” 36; at “Jerry,” 50.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81,600, pati na iba’t ibang drug paraphernalia. Hindi tinukoy sa ulat kung sino sa mga suspek ang umano’y maintainer ng drug den.

Samantala, noong Abril 25, nakapagsagawa rin ng hiwalay na operasyon ang PDEA sa Bacoor City, Cavite kung saan nabuwag ang isa pang drug den at anim na suspek ang naaresto. Narekober dito ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang lahat ng suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here