Home NATIONWIDE 20,000 manggagawa magmamartsa sa Labor Day

20,000 manggagawa magmamartsa sa Labor Day

91
0

MANILA, Philippines – Sa bisperas ng International Workers’ Day, inihayag ng bagong tatag na labor coalition na “Laban Manggawa” ang kanilang kahandaan na pamunuan ang iisang delegasyon para sa mobilisasyon sa Mayo 1.

Sa isang press briefing sa Quezon City nitong Abril 30, 2026, inanunsyo ng grupo na target nilang magpakilos ng 20,000 manggagawa para sa International Workers’ Day.

Nanawagan ang koalisyon ng agarang reporma upang tugunan ang patuloy na mababang sahod at krisis sa enerhiya sa bansa. Kabilang sa kanilang panawagan ang pagpapatupad ng price controls, pagbawi sa Oil Deregulation Law, at pagsasabatas ng National Minimum Wage.

Ayon sa grupo, layunin ng kanilang pagkilos na ipaglaban ang mas mataas na sahod at proteksyon laban sa tumataas na presyo ng bilihin at kuryente. Danny Querubin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here