Home HOME BANNER STORY Mas malakas, matibay na kooperasyon ng LGUs susi sa pagbawas ng krimen

Mas malakas, matibay na kooperasyon ng LGUs susi sa pagbawas ng krimen

74
0

MANILA, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng malakas na kooperasyon sa pagitan ng national at local governments para masawata ang krimen at matiyak ang mas mabilis na emergency response.

Pinulong ni Pangulong Marcos ang national at regional leaders sa Palasyo ng Malakanyang para sa 1st Joint National Peace and Order Council (NPOC) Meeting for 2026.

Layon ng pagpupulong ay ihanay ang mga estratehiya at i-assess ang ‘peace and order situation’ ng bansa.

Hangad din nito na palakasin ang whole-of-government approach sa ‘public safety, community resilience, at responsive governance’ sa buong bansa.

“At the joint National Peace and Order Council Meeting, we strengthened coordination between national and local governments to keep crime down and respond faster in emergencies,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

Sumentro naman ang talakayan sa teknolohiya at paghusayin ang pagkaka-ugnay ng komunidad para tumulong na mapigilan ang krimen.

“We discussed strategies, such as expanding the use of technology and engaging communities in deterring crime. We want to ensure that people feel safe, stable and secure,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ang Joint NPOC – Regional Peace and Order Councils Meeting ay nagsilbi bilang platform para sa national at regional leaders para talakayin ang mag estratehiya para tugunan ang ‘peace and security concerns.’ (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here